ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

MAKATUTULONG | 602 trainees, Malaking tulong sa PCG

Manila, Philippines – Aminado si Philippine Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo na malaking tulong sa kanilang hanay ang 602 trainees bilang bagong kasapi ng PCG.

Sabi ni Balilo, 500 dito ay mga lalaki habang ang 102 naman ay mga babae.

Sampung buwan aniyang sasailalim sa pagsasanay sa Philippine Coast Guard training center sa Bagac, Bataan ang mga ito para lalong mahasa ang kanilang kakayahan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Paliwanag pa ni Balilo, makakatulong nila ang mga ito sa Search And Rescue Operation at iba pang programa ng PCG.

Facebook Comments