Manila, Philippines – Isinusulong ng Department of Health (DOH) na taasan ang buwis sa mga sigarilyo.
Ito ang nakikitang paraan ng DOH para mapondohan ang isinusulong na universal healthcare bill.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, makatutulong din ito sa pagpapababa ng bilang ng mga naninigarilyo sa bansa.
Umaasa naman ang ahensya na pagtitibayin ang tobacco tax reform para mapondohan ang universal healthcare bill at mapalakas pa ang abo’t kayang serbisyo pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
Ang universal healthcare bill ay isa sa prayoridad ng pamahalaan para bigyan ng malawak na access ang mga Pilipino sa usaping pangkalusugan.
Facebook Comments