Manila, Philippines – Naniniwala si Camiguin Representative Xavier Jesus Romualdo na makikinabang ang mga mahihirap na Pilipino kapag naitatag ang panukalang national ID system o Philippine Identification System (PHILSYS).
Ayon kay Romualdo, isa sa principal authors ng panukala, mahalaga ang PHILSYS para sa vulnerable sectors tulad ng mga mahihirap.
Binanggit din ng mambabatas ang pag-aaral na isinagawa ng world bank kung saan nasa 16.3 milyong Pilipino ang walang ‘proof of identity’ at kulang ang access sa mga government at financial services.
Sa tulong ng PHILSYS ay mabibigyan ng access ang mga Pilipino sa ilang mahahalagang serbisyo tulad ng edukasyon, social protection, health care, banking at finance.
Facebook Comments