MAKATUTULONG | Panukalang gawing economic and planning agency ang NEDA, suportado ni Sec. Pernia

Manila, Philippines – Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang isinusulong na panukalang batas sa Senado na magpapalakas sa mandato ng ahensya.

Iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian ang Senate Bill 1938 na layong itatag ang NEDA bilang pangunahing economic at planning agency ng Pilipinas.

Ayon kay NEDA Director General Ernesto Pernia, makatutulong din ang hakbang sa layunin ng pederalismo dahil maibababa ang mga plano at proyekto ng national government sa regional, provincial at local levels.


Nabatid na isang kautusan lamang ang orihinal na pundasyon nito o Executive Order 230 na inilabas pa noong 1987.

Facebook Comments