Makatwirang presyo ng pagkain ngayong Christmas season, dapat tiyakin ng gobyerno

Nananawagan si Senator “Kiko” Pangilinan sa mga ahensya ng gobyerno na pag-ibayuhin ang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin at tiyaking mapanatili ito sa tamang level.

Tinukoy ni Pangilinan na ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain sa international market nitong buwan ng Nobyembre ang pinakamataas sa nakaraang 10 taon.

Katwiran pa ni Pangilinan, bukod sa international market ay seasonal ding tumataas ang presyo ng mga lokal na pagkain dahil sa pagtaas ng demand tuwing Kapaskuhan.


Pero diin ni Pangilinan, hindi ito dapat samantalahin at mainam na suspindehin agad ang lisensya ng mga nagsasamantalang negosyante.

Bukod dito ay iginiit din ni Pangilinan ang pangangailangan na maisulong ang interes ng mga magsasaka at mangingisda para masiguro ang matatag na suplay ng pagkain at maiwasan na tumaas ang presyo nito.

Paliwanag ni Pangilinan, Magkakabit ang seguridad sa pagkain at pambansang seguridad kaya walang seguridad ang bansa kung gutom ang mamamayan.

Facebook Comments