Makatwirang sweldo ng mga guro, magbubunga ng dekalidad na edukasyon sa pampublikong paaralan

Manila, Philippines – Tiwala si Senator Sonny Angara na hindi na magtatagal at matutupad na rin ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtaas sa sahod ng mga pampublikong guro.

Umaasa si Angara, na ang ibibigay na umento sa sweldo ng mga guro ay hindi malalayo sa inihain niyang Senate Bill no. 135.

Itinatakda sa panukala ni Angara ang pagtaas sa minimum salary grade level ng mga guro sa salary grade 19 mula sa kasalukuyang salary grade 11.


Nangangahulugan ito na aakyat sa P42,099 ang kasalukuyang P20,179 na sweldo ng mga guro.

Diin ni Angara, kung sinsero ang pamahalaan na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, ay dapat muna nating tiyaking may maganda o makatwirang pasahod sa public school teachers.

Facebook Comments