Dahil umano sa sunod sunod na suspension ng klase dulot ng pag-uulan at baha sa lalawigan ng Pangasinan posible umanong magkaroon ng make up class ayon sa School Division 1 ng Department of Education Pangasinan.
Sa Panayam ng Ifm Dagupan kay Carmina Guttierez, tagapagsalita ng DepEd SDO1 nakasaad umano sa Memorandum Order No. 7 Series of 2019 dapat umanong makumpleto ang 203 na school days sa school year 2019-2020.
Ito umano ay nasa school heads na ng bawat paaralan na kailangang magbase sa kanilang school calendar at magpatupad na ng make up class kung kinakailangan.
Bago umano ito ipatupad dapat siguraduhin na magkaroon ng pag-uusap mula sa mga guro at mga magulang ng mga estudyante.
Ngayong buwan nagkaroon ng tatlong holiday sa bansa at suspensiyon ng klase dulot ng pag-uulan at pagbaha.
###