MAKESO | Pagkain na pangontra sa bangungot at nightmare, alamin

Manila, Philippines – Madalas ka bang bangungutin o magkaroon ng mga hindi magandang panaginip.

Kung gusto mo ba itong mawala, simple lang, kumain ka ng cheese o keso bago matulog.

Lumabas kasi sa scientific study ng British cheese board, nawala ang nightmares (bangungot) ng mga taong kumain ng cheese, 30-minuto bago sila matulog.


75 percent nang 200 tao na sumubok nito ay nagsabing naging mahimbing ang kanilang tulog.

Samantala, may lumabas ding pag-aaral na ang pagkain blue stilton o blue cheese ay magkakaroon ka naman ng mga kakaibang panaginip o mga bizarre dream.

Facebook Comments