“MAKIAYON SA NAKATAKDANG TODA”, HILING NG ILANG TRICYCLE DRIVERS SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Hiling ng ilang tricycle drivers ang pakikiayon ng kapwa nilang driver sa nakatakdang mga toda na pasadahan ng mga pampasaherong tricycle.
Bunsod ito ng hindi umano fair o patas na pagkuha ng mga pasahero kahit pa ginagawa ng mga ito ang sumunod sa pila, o ang mapabilang sa itinakdang pagkakasunod sunod ng kanilang pagpapasada.
Daig pa ng mga tricycle drivers na hindi nakapila sa toda ang mga driver na nakapila at maghihintay ng kanilang tinatawag na “torno” sa Pangasinan dahil madami umano silang nakukuhang pasahero at minsan ay umaabot ito sa agawan ng mga sasakay.

Sa kabila nito, alam din ng mga tricycle drivers na nasa kanila na kung paano ang diskarteng gagawin nila. Wala naman daw umanong nagbabawal sa mga ito bagamat idinadaing lang dahil ramdam ng mga nakapilang tricy drivers sa TODA ang tagal ng oras ng paghihintay sa pasahero.
Samantala, isa pang hinaing ng mga ito ay ang matumal o mahinang pasada sa nagdaang Holy Week dahil mas pinipili umano ng mga tao ang maglakad alinsunod sa kaugaliang Penitencia kaysa magsakay. |ifmnews
Facebook Comments