Manila, Philippines – Nanawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na makiisa sa kampanya nila kontra sunog.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng fire prevention month ngayong buwan na may temang “Ligtas Pilipinas ang ating hangad, pag-iingat sa sunog, sa sarili ipatupad”.
Ayon kay BFP-NCR District Fire Marshal Supt. Jonas Silvano – target ng BFP na maging “fire safe nation” ang pilipinas pagdating ng 2034.
Dahil dito, patuloy ang isinasagawa nilang pag-train sa mga barangay official at door-to-door campaign lalo na sa mga informal settlements na aniya’y sobrang vulnerable sa sunog.
Paalala pa ng BFP, magkaroon ng wastong electrical plan at iwasan ng pagja-jumper ng kuryente na kalimitan ding pinagmumulan ng sunog.
Facebook Comments