MAKIISA | Earth Hour, muling isasagawa sa March 24

Manila, Philippines – Muling hinihimok ang publiko na sabay sabay na magpatay ng ilaw sa ika-24 ng Marso para sa pagdiriwang ng ika-sampung taon ng Earth Hour.

Ang Earth Hour ay pandaigdigang kampanya para sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng sabay sabay na pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras.

Sa ika-sampung taon ng paglahok ng Pilipinas sa Earth Hour, muling ibabalik ang sentro ng selebrasyon sa Cultural Center of the Philippines kung saan ginawa ang pinakaunang Earth Hour sa bansa noong 1998. Magsisimula ang pagpatay ng ilaw ganap na alas 8:30 ng gabi.


Ayon kay Atty.Gia Ibay, Head ng Climate and Energy Program ng WWF Philippines at National Director ng Earth Hour, kailangan ng tuluy tuloy at sama samang pagkilos upang mapangalagaan ang kapaligiran. Ngayong taon, hindi lamang sa Climate Change nais mamula ng WWF ang publiko, kundi sa Biodiversity rin.

Target ng mga organizer na mahigitan ang tinatayang nasa 165 Megawatts ng kuryente ang natipid sa isinagawang Earth Hour noong nakaraang taon.

Facebook Comments