MAKIISA | Lokal na pamahalaan ng Makati, ipagdiriwang ang earth hour sa Sabado

Makati City – Ipagdiriwang sa Sabado (March 24) ng lokal na pamahalaan ng Makati ang taunang ‘earth hour’.

Layunin ng event na magbigay ng kamalayan sa mga residente, business community at iba pang stakeholders ang kahalagahan ng pagtitipid ng kuryente.

Pangungunahan ni Makati Mayor Abigail Binay ang event sa fountain area ng Tower One at Exchange Plaza sa Ayala Triangle Gardens.


Nanawagan ang alkalde sa mga taga-lungsod na makiisa sa isalba at pangalagaan ang ating mundo sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw at pag-unplug ng mga hindi ginagamit na appliances.

Mag-uumpisa ang registration ng alas-6:00 ng gabi.

Mula 2008, nakiisa na ang Makati City sa global earth hour celebration bilang pagsuporta sa pagbawas ng carbon dioxide emission.

Facebook Comments