MAKIISA | Malacañang, hinikayat ang publiko na makiisa sa paggunita ng ikatlong taong anibersaryo ng pagkabayani ng SAF 44

Manila, Philippines – Hinikayat ng Malacañang ang publiko na makiisa ngayong araw sa paggunita sa ikatlong taong anibersaryo ng SAF44.

Magugunitang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng proclamation no. 164 na national day of remembrance ang January 25 bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF44 Na namatay sa mamasapano encounter.

Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, umaasa siyang makakamit ng pamilya ng mga namatay na SAF commandos ang hustisya at mapanagot ang mga dapat managot sa sinapit ng mga bayaning pulis.


Una nang tiniyak ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi sila titigil sa pagkamit ng hustisya para sa SAF44.

Facebook Comments