Manila, Philippines – Hinikayat ng World Wildlife Fund (WWF) Philippines ang mga Filipino na lumahok o sumali sa Earth Hour 2018 mamayang gabi sa pamamagitan ng boluntaryong pag-switch off ng lahat ng ilaw sa loob ng isang oras bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagsisikap upang labanan ang Climate Change.
Ang Earth Hour ay nakatuon sa bagong pandaigdigang kampanya ng World Wildlife Fund (WWF) Philippines na #Connect2Earth.
Layunin nito na maipakita ng sambayanang Filipino sa buong mundo ang pagkakaisa upang labanan ang climate change at ang pagpo-promote ng malinis, malusog at green earth.
Mula 2009 hanggang 2013, nakamit ng Pilipinas ang titulong “Earth Hour Hero Country” bilang bansa na may pinakamaraming lumahok sa aktibidad na nagpatay ng kanilang mga ilaw.
Ang Earth Hour ay isasagawa mamayang alas 830 ng gabi hanggang alas 930 ng gabi.