Manila, Philippines – Maliban sa 5,000 pulis, magpapakalat din ng mahigit 800 street sweeper sa Quiapo, Maynila sa araw ng Martes, January 9.
Ito ay para siguruhing kakaunti ang basura sa dadaanang ruta ng Poong Itim na Nazareno.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, dapat maging maingat ang mga deboto sa sarili at sa kapaligiran.
Kasabay nito, hinikayat ni Erap ang publiko na makiisa para maging mapayapa, malinis at ligtas ang selebrasyon ng pista.
Noong nakaraang taon, aabot sa 65 trak ng basura ang nakolekta sa 21-oras na prusisyon.
Facebook Comments