Manila, Philippines – Makikiisa ang Philippine Navy sa Multilateral Naval Exercises Komodo sa Lombok, Indonesia sa darating na Mayo 4 hanggang Mayo 9.
Ayon kay Philippine Navy Spokesman Captain Lued Lincuna, ang BRP Gregorio Del Pilar ang ipadadala ng Philippine Navy para sumali sa ikatlong naval exercise na i-ho-host ng Indonesian Navy.
Sinabi ni Lincuna na sa pakikilahok ng Pilipinas sa Naval Exercises Komodo inaasahang mas mapapalawig ang ugnayan ng Philippine Navy sa ibang mga naval forces sa rehiyon, at mapalalakas ang kooperasyon sa humanitarian at disaster relief assistance.
Ang BRP Gregorio Del Pilar ay isa sa 3 Hamilton-Class Frigates ng Philippine Navy na dating gamit ng US coast guard.
Isinagawa ang turn over-off ceremony kaninang umaga para sa 300 crewmen ng BRP Gregorio Del Pilar sa Pier 13, South Harbor, Manila.