Makikiisa sa tigil-pasada, pananagutin ng LTFRB

Manila, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga tsuper at operator na mag papatupad o makikisali sa tigil-pasada.

Ginawa ng LTFRB ang pahayag kasunod na rin ng perwisyong sinapit ng ilang pasahero kasabay ng kilos protesta ng grupong PISTON.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, sa pamamagitan ng certificate of public convenient may responsibilidad sa pasaheroang mga driver at operator.


Banta ng opisyal mananagot kung sinoman ang lalabag sa batas.

Kanina ilan sa mga estudyante ang naglakad papasok sa eskwela at may mga nanay na nahirapan dahil walang masakyang jeep habang may bitbit na pinamili mula sa palengke.

Facebook Comments