MAKIKINABANG | 40 milyong manggagawa at mga fresh grads, makikinabang sa security of tenure bill

Manila, Philippines – Naniniwala si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles na lalong magpapatibay sa seguridad sa trabaho o security of tenure ang pagsertipika ni Pangulong Duterte bilang “urgent” sa Security of Tenure Bill.

Ayon kay Nograles, aabot sa 40 Milyong mga manggagawa ang makikinabang sa batas gayundin ang mga estudyanteng magtatapos sa kolehiyo na nakatakdang maghanap ng trabaho.

Batid ng mambabatas na hirap na makahanap at maging regular sa trabaho ang maraming nagtapos na kolehiyo.


Aminado ang kongresista na may mga malalabong bahagi ang Labor Code na pinagsasamantalahan ng mga employer kaya dapa umanong lilinawin at tuldukan ang problema sa pamamagitan ng Security of Tenure Bill.

Naniniwala si Nograles na matitigil na ang pamamayagpag ng kontraktwalisasyon at labor-only contracting sa bansa sa oras na mapagtibay ang panukala.

Facebook Comments