MAKIKIPAGDAYALOGO | MMC – Makikipagpulong sa mga Senador kaugnay ng positibong epekto ng carpooling at high-occupancy vehicle

Manila, Philippines – Inaasahang makikipagdayalogo ngayong buwan ang Metro Manila Council (MMC) sa mga Senador para isulong ang positibong epekto ng carpooling at pagbabawal ng mga sasakyan na driver lang ang sakay.

Ayon kay MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija – ipiprisinta ng mga Metro Manila Mayors sa mga mambabatas ang magandang epekto ng mga traffic scheme.

Nakatuon din sila sa isinasagawang pagmamantina sa daloy ng trapiko lalo’t sisimulan na ang rehabilitasyon ng Old Santa Mesa bridge, Mabini flyover at Nagtahan bridge.


Araw-araw na rin ang ikakasang clearing operations.

Paalala ng mmda sa motorista at commuters na asahan ang matinding trapik, dahil uumpisahan na sa Sabado (Setyembre 15) ang rehabilitasyon sa nabanggit na mga tulay.

Facebook Comments