Manila, Philippines – Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang babaeng nagproseso umano ng mga papeles ni Joanna Demafelis patungo ng Kuwait.
Ayon kay NBI-NCR Chief Cesar Bacani, si Marissa Ansaji Mohammad ay kusang dumulog sa kanilang tanggapan kahapon matapos nila itong padalhan ng subpoena.
Ayon kay Bacani, nakikipagtulungan si Mohammad sa isinasagawa nilang imbestigasyon, at ngayong araw ay pinabalik nila ito para sa karagdagang pagtatanong.
Si Mohammad ay naging empleyado ng Mt. Carmel Recruitment Agency noong 2014.
Kaugnay nito, nilinaw ni Bacani na hindi pa nila itinuturing na suspek si Mohammad.
Facebook Comments