Manila, Philippines – Nanawagan ang National Youth Commission o NYC sa mga kabataan na makilahok sa darating na Sangguniang Kabataan Election sa susunod na buwan.
Sa briefing sa Malacanang ay sinabi ni NYC Officer in Charge Ronald Cardema, sa ngayon ay aabot sa 79 na libo pa lamang ang nakapagsumite ng Certificates of Candidacy o COC sa COMELEC mula sa 350 libong Sangguniang Kabataan positions sa buong bansa.
Sinabi ni Cardema na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tulong ng mga kabataan para mapaganda ang buhay ng susunod na henerasyon.
Binigyang diin ni Cardema na mahalaga ang magiging kontribusyon ng Kabataan sa lipunan lalo na sa paglaban sa iligal na droga at paglaban sa kriminalidad sa bansa.
Matatandaan na noong 2010 pa ang huling SK elections kung saan sinabi ni Cardema na posibleng ito ang dahilan kung bakit kaunti lamang ang tumatakbo sa mga SK posistions.
Ipinaalala din naman nito na hindi maaaring tumakbo sa SK election ang mga may kamaganak na kasalukuyang naka upo o mga elected officials sa national, regional, provincial, city, municipal at barangay positions.