MAKILAHOK | TESDA, magdaraos ng training at job fair ngayong bwan

Manila, Philippines – Magdaraos ang Technical Education and Skills Development Authority ng dalawang araw na National TVET Enrolment at Jobs Fair para sa mga gustong makapag-sanay ng technical and vocational education and training.

Gaganapin ang nasabing training sa darating na Pebrero 27 at 28 at sa Agosto 25 at 26.

Ang programa ay sabay-sabay na isasagawa sa mga munisipalidad at kapitolyo ng mga lalawigan at sa ibang lugar.


Lalahukan din ito ng mga katuwang na mga negosyante, employers at industriya upang lumahok sa jobs fair.

Samantala, hinihimok ng TESDA ang publiko na gustong makapagsanay sa mga iniaalok na kursong vocational na lumahok at magpatala sa gaganaping 2-araw na National TVET Enrolment upang magkakaroon ng sapat na suplay ng mga magagaling na technicians, technologists at manggagawa ang bansa.

Kasabay nito, ang patuloy na idinaraos na Barangay Skills Mapping Program ay naglalayon na palakasin at siguraduhin na walang mapag-iwanan sa mga skills training program ng gobyerno partikular sa mga lalawigan..

Facebook Comments