Ibinunyag ni presidential aspirant at Senador Panfilo “Ping” Lacson na isang makinarya ng mga magsasaka na nagkakahalaga ng 5 bilyong piso ay hindi napakikinabangan ng mga magsasaka dahil sa isang gamitan lang umano ay nasisira na.
Ayon kay Lacson, tinanong umano nito si Agriculture Secretary William Dar hinggil sa pagkuha ng machineries na nagkakahalaga ng 5 bilyong piso kung bakit agad na nasisira o hindi na nagagamit pero maraming mga kadahilan ang sagot ng kalihim kung bakit agad nasisira.
Tinukoy rin ni Lacson na isa pang agriculture machinery na kung saan ang isang halaga ng miller ay nagkakahalaga ng P800,000 na hindi napakikinabangan ng mga magsasaka.
Paliwanag pa ni Lacson, malaking tulong umano kung napakikinabangan sana ito ng mga magsasaka na kanilang magagamit sa sakahan upang magkaroon ng maraming aning palay.
Matatandaan na pinuna rin ng kanyang running mate na si vice presidential aspirant at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na 700 bilyong piso ang nawawala sa kaban ng gobyerno dahil sa korapsyon na kung napupunta lamang sana sa tamang pamamalakad maraming mapapakinabangan ng mga Pilipino.