Pagpasok ng September 1, 2020, magsisimula nang mag-ikot sa buong Pilipinas ang mga tauhan ng Philippine Statistic Authority (PSA) partikular na ang mga census enumerator.
Layon nito na maitala ang mga mahahalagang impormasyon ng mga residente na makakatulong para mas mapabuti pa ang mga programa ng gobyerno para sa kanila.
Kabilang na rito ang programa sa edukasyon, kalusugan, siguridad, kahirapan at iba pa
Kasunod nito, hinimok ni PSA Usec. Dennis Mapa ang bawat Pilipino na seryosohin ang pagsagot sa census question.
Siniguro rin ng opisyal na madali lang ang mga magiging proseso sa pagsagot sa 53 tanong na tatagal lamang ng 15 minuto hanggang 30 minuto.
Bukod sa face-to-face interview, dahil sa COVID-19 maaari na rin isagawa ang census interview sa pamamagitan ng telepono, internet at pagsagot sa iiwanang papel sa bahay ng participant.
Sumatotal, meron 140,000 na supervisor at census enumerators na ipapakalat sa buong bansa na merong sapat na kakayanan para magampanan ang trabaho kahit ngayong ‘new normal’.
Samantala, ayon sa PSA base sa ķanilang projected population meron nang 108.8 milyong Pilipino, 54.4 milyon ang lalaki habang 53.9 milyon ang mga babae.