Talagang Christmas feels na ang bungad sa tahanan ng pamilya Mamalio dahil sa punung-puno na ng iba’t ibang Christmas decorations. Hindi natin maipagkakait na tayong mga Pinoy, pagpasok palang ng Ber months ay umpisa na ng selebrasyon ng Pasko.
Ayon sa mag asawang si Susan at Guido, tuwing sasapit ng ang ber months ay sinisimulan na nilang mag lagay at magsabit ng decorations upang mas maging makulay at maaliwalas ang kanilang tahanan. Dagdag pa nila, laman ng kanilang bodega ang nasa 20 boxes na naglalaman ng napakaraming palamuti at Christmas decor collections na inumpisahan nilang kolektahin noon pang taong 1997.
Mga idol, may kanya kanya tayong pamamaraan sa pagcecelebrate ng Christmas, ang iba ay idinaraan sa pagsasabit ng mga Christmas decorations, ang iba naman ay simple lamang, ang iba rin ay magarbo ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay maicelebrate ang Christmas na magkasamang masaya ang buong pamilya. Mula rito sa IFM DAGUPAN, Advance Merry Christmas idols. |ifmnews
Facebook Comments