Makulay na Cotabato City!

Magiging mas makulay na ang Cotabato City ngayong 2018, kahapon nang isagawa ng tourism stakeholders na pinangangasiwaan ng Cotabato City Tourism Promotion Board ang groundbreaking ceremony ng PC Hill Revitalization Painting Project.
Sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng city government at Department of Tourism -12 ay nailinsad ang naturang proyekto, bunsod nito mas magiging makulay at puno ng buhay ang syudad.
“Shine Kutang Bato” ang tawag sa proyekto, dito itatampok ang makulay at puno ng buhay na bahaghari na maingat at metikulosong ipipinta sa mga kabahayan sa PC hill na may mga simbolo na sumasalamin sa Cotabato city tulad ng alimango, gongs at guinakit.
Dahil rito, inaasahang mas dadami pa ang turista sa syudad at magiging isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga ito ang PC hil.
Nagkakahalaga ng P1.6M million ang PC Hill Revitalization Painting Project na ipapatupad ng local contractor sa ilalim ng superbisyon ng city engineering office.

Facebook Comments