Mala-India na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ibinabala ng DOH

Ibinabala ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Duque, katulad nang sa India, kung magpapatuloy pa rin ang bigong pagsunod sa minimum health protocols ng mga Pilipino ay malaki ang tiyansang tumaas muli ang mga kaso.

Pwede rin aniya ang pagkakaroon ng ikatlo hanggang ikaapat na wave ng COVID-19 cases depende sa ipapatupad ng minimum health protocols ng gobyerno.


Sa ngayon, umabot na sa mahigit 18.8 milyon ang kabuuang kaso sa India kung saan 15.3 milyon ang nakarekober at mahigit 208,000 ang mga nasawi.

Facebook Comments