MALA NETHERLANDS NA AGRI-TOURISM PARK, DINARAYO NGAYON SA NUEVA ECIJA

Kung naghahanap ka ng lugar na mapapasyalan sa iyong huling hirit sa tag-init, subukan na ang usap-usapan ngayon sa social media na Agri-Tourism Park na matatagpuan sa bayan ng Nueva Ecija.

Kapag narrating mo na ang lugar, tila ikaw ay nasa Netherlands sa ganda ng mga makukulay na bulaklak at tahimik na paligid nito.

Ang Farm Villaronte sa San Antonio, Nueva Ecija ay tatlong oras mula sa Dagupan City, pero tiyak na mapapawi agad ang pagod mo sa biyahe dahil sasalubong sayo ang iba’t ibang uri ng bulaklak na hindi lamang makukulay kundi mababango rin.

Bukas ito mula 6:30 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi at sa halagang P50, sulit na ang maghapon na pamamalagi dito para sa picture perfect experience mo.

Para ka naring nakarating ng ibang bansa o kaya’y sa Northern Blossom ng Benguet dahil sa sariwang simoy ng hangin at dami ng uri ng bulaklak na talagang kay ganda sa paningin.

Bawat bulaklak dito ay isang paalala na kahit gaano karami ang iyong pinagkakaabalahan, kahit gaano ka pa ka pagod sa buhay, maaaring tumigil sandali, magpahinga, at maging isa kasama ang natural na ganda ng kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments