MALA-SARDINAS NA SIKSIKAN SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, TUTUTUKAN NG LTFRB; MGA TSUPER, SANG-AYON

Tututukan ng LTFRB Region 1 ang siksikan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng Anti-Sardinas Policy ng DOTr, na layong pigilan ang overloading at tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Region 1 Director Cristal Sibayan, katuwang nila ang LTO sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga lugar kung saan madalas maganap ang overloading.

Suportado ito ng One Pangasinan Transport Federation, ngunit ayon sa kanilang presidente na si Bernard Tuliao, dapat tiyakin ng LTO ang mahigpit na pagbabantay lalo na tuwing peak hours.

Batay sa direktiba ng DOTr, ito ang itinakdang kapasidad sa mga pampublikong sasakyan:
• Tradisyonal na jeepney: 12 hanggang 32 pasahero, depende sa kapasidad ng sasakyan.
• Modernong jeepney: 12 hanggang 32 nakaupo, at hanggang 5 nakatayong pasahero bawat metro kuwadrado ng espasyong maaaring tayuan.
• UV Express: 9 hanggang 12 pasahero.
• Bus: 50 o higit pang pasahero, hindi lalampas sa kapasidad ng sasakyan, at hanggang 5 nakatayo bawat metro kuwadrado.

Ang sinuman lalabag sa polisiya ay papatawan ng kaukulang parusa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments