Wala nang pag-asang makahabol sa 17th Congress ang panukalang Department of OFW.
Sabi ni Senator Cynthia Villar – bagama’t ipinupursige nila ang panukala, malabo na itong makausad dahil sa kakapusan ng panahon.
Ito ay kahit sertipikahan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala bilang ‘urgent’.
Aniya, mas prayoridad ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa November 12 hanggang December 14 ang pagpasa sa P3-trillion 2019 national budget.
Habang sa pagpasok ng 2019, magsisimula na ang campaign period kaya wala na ring pagkakataon para matalakay ang panukala.
Gayunman, sisikapin raw nilang maipasa ang Department of OFW bill pagsapit ng 18th Congress.
Facebook Comments