Manila, Philippines – Inamin ng ilang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na may agam-agam sila sa pagpapatupad ng federal form of government base sa draft na isinumite ng consultative committee.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi malinaw sa draft kung magkano ang gagastusin oras na maipatupad ang pederalismo sa bansa.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, nasa ₱120 billion ang posibleng kailanganin para maipatupad pederalismo.
Pero giit ng mga senador, mahirap i-estimate ang budget kung ang mismong draft ay hindi pa malinaw sa marami.
Facebook Comments