MALABO | Mayweather, maglalaro na lang ng basketball kaysa makipag-rematch kay Pacquiao

Malabo nang magkaroon ng rematch sina Pinoy Boxing Legend Manny Pacquiao at American Undefeated Champion Floyd Mayweather Jr.

Sa isang interview sinabi ni Narvacan Councilor Luis Chavit Singson na nakausap niya mismo si Mayweather hinggil sa posibleng rematch nila ni Pacquiao.

Pero sabi raw ng American boxer, mas gusto nilang maglaro na lang ng basketball kaysa bumalik sa boxing.


Nauna nang sinabi ni Pacquiao na handa niyang labanan ulit si Mayweather.

Facebook Comments