MALABO | Mayweather vs. Pacquiao 2 malabo na!

Manila, Philippines – Malabo nang matuloy pa ang isinusulong na rematch nina Floyd Mayweather Jr., at fighting Senator Manny Pacquiao.

Ayon sa mga ulat, nanatiling hindi interesado ang undefeated American boxing champion na muling umapak sa ring para haraping muli ang Pambansang Kamao.

Sabi pa sa mga report, mas gugustuhin pa raw ni Mayweather na maglaro na lamang ng basketball kesa makipagbasagan ng mukha kay Pacman.


Maalalang tinalo ni Mayweather via unanimous decision si Pacman sa kanilang laban na tinaguriang “Fight of the Century” na hindi naman naging maaksiyon.

Pero kung ang dating trainer ni Pacman na si Fred Roach, mas maganda kung si Jeff Horn na lang muna ang muling kalabanin ni Pacquiao.

Facebook Comments