MALABO NA | Minority senators, kumbinsidong malabo ng mapagtibay ang draft resolusyon laban sa pagpapatalsik kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Kumbinsido maging ang liderato ng minorya sa Senado na malabo ng maipasa ang isinusulong nilang draft resolution na naghahayag ng pagkontra ng Senado sa pagpabor ng Supreme Court sa quo warranto petition na nagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Liberal Party President Senator Francis Kiko Pangilinan, sa pamamagitan ng resolusyon ay maaring pa ring ilahad ng Senado ang posisyon nito na dapat impeachment ang paraan ng pagtanggal kay Sereno.

Pero sa tingin ni Drilon, makaraang pagtibayin ng kataas taasang hukuman ang nauna nilang desisyon laban kay Sereno ay malaki ang posibilidad na magkanya kanya na lang pahayag ng damdamin ang mga senador at hindi na sa pamamagitan ng isang sense of the senate resolution.


Sabi naman ni Senador Pangilinan, dahil sa huling pasya ng Supreme Court (SC) ay baka hindi na makakuha ng suporta ng mayorya ng mga senador sa plenaryo ang draft resolusyon kahit pirmado na ito ng 14 na mga senador.

Facebook Comments