MALABO NA | Senado, wala nang panahong talakayin ang Cha-cha

Manila, Philippines – Malabo nang matalakay ng Senado ang panukalang Charter change o Cha-cha para bigyang daan ang pagpapalit ng porma ng gobyerno patungong Federalism.

Ito ay kahit pa mayroon ng balangkas ng Federal Constitution ang Consultative Commission o ConCom ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, mali ang akala ng ConCom na pwede ng gawin agad sa 2019 ang plebesito para sa Cha-cha.


Paliwanag naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, sa muling pagbubukas ng sesyon sa July 23 ay ibubuhos nila ang atensyon para tapusin agad ang panukalang budget para sa 2019.

Binanggit ni Drilon na magiging abala din ang mga re-eleksyunistang Senador sa halalang gagawin sa 2019 kaya hanggang Pebrero lamang sa susunod na taon ang kanilang session.

Katwiran naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, mahabang proseso at debate pa ang dadaanan ng panukalang Cha-cha kaya ang draft constitution mula sa ConCom ay mananatiling mungkahi hanggang hindi nakakalusot sa 2-kapulungan ng kongreso.

Facebook Comments