Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na malabo na maglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang Executive Order na maguutos na tanggalan ng taripa o maging zero tariff ang ilang imported food products para mapababa ang inflation rate sa bansa.
Sinabi kasi ni Albay Representative Joey Salceda na inaasahan na maglalabas ng Executive Order si Pangulong Duterte para maging Zero tariff sa mga imported fish, corn, vegetables para mabigyang solusyon ang mataas na inflation.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay kay Agriculture Secretary Manny Pinol, sakaling magkatotoo ang zero tariff sa ilang food products ay tiyak na giyera ito sa mga local agricultural producers.
Paliwanag pa ni Roque, wala din sa economic managers ni Pangulong Duterte pumapayag na gawing zero tariff ang ilang food products pero posible naman aniyang bawasan lamang ito.