Makararanas pa rin ng pagbaha ang mga residente ng Malabon at Navotas hangga’t hindi pa naisasaayos ang nasirang Tangos-Tanza floodgate noong kasagsagan ng Habagat at Bagyong Carina.
Sa Malacanang press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes, posibleng abutin pa ng isang buwan bago maisaayos aang pagkukumpuni sa naturang gate.
Sa desilting pa lamang aniya o paglilinis ng mga latas ay aabutin na agad ng dalawang linggo ang DPWH.
Kung kaya’t hindi pa rin ligtas sa baha ang Malabon at Navotas lalo na kung sasabayan pa ito ng high tide at malakas na pag-ulan.
Kumpiyansa naman si Artes na maisasaayos nila ang floodgate bago ang onset ng La Nina.
Nakikita rin ng MMDA na magiging long-term solution sa baha sa nasabing lugar ang pagdaragdag ng isa pang flood gate na magiging reserba sakaling masira ang isang gate.