Simula ngayong araw, limitado na ang maaaring bumisita sa mga sementeryo sa Malabon City.
Ayon sa local na pamahalaan ng Malabon, mayroong dalawang shift sa pagbisita kada araw partikular sa Tugatog Public Cemetery.
Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga ang unang shift ng pagbisita habang alas-2:00 hanggang alas-5:00 naman ang para sa hapon.
300 tao lang ang papayagan kada shift para matiyak na masusunod ang physical distancing.
3 tao lamang kada tao ang papayagang makabisita kung saan bawal pumasok ang 20 taong gulang pababa at mga 60 taong gulang pataas.
Paalala pa rin ng pamahalaan ng Malabon na bawal pa ring dalhin ang matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, radyo loudspeaker, gasolina, inuming nakalalasing at iba pa na maaaring pagsimulan ng sunog.
Mahigpit ding ipatutupad ang mga safety health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.
Dapat din magdala ng valid ID para makatiyak na nasa tamang edad ang papasok sa sementeryo at kung sila ay residente doon.