Malabon City, nakapagtala ng 3 kaso ng UK COVID-19 variant

Nakapagtala ang Malabon City ng tatlong kaso ng UK COVID-19 variant.

Ayon kay Bong Padua, Information Officer ng Malabon Local Government Unit (LGU), isang tatlong taong gulang na batang lalaki sa Barangay Maysilo at dalawang mag-asawang senior citizen sa Barangay Concepcion ang nagpositibo sa UK COVID-19 variant.

Una umanong nagkaroon ng COVID-19 ang tatay ng bata.


Pero batay sa resulta ng swab test nito ay positibo ito sa UK COVID-19 variant.

Habang ang mag-asawang senior citizen ay may history na bumisita sa Subic.

Inoobserbahan na sila sa itinalagang health facilities sa Malabon City.

Mahigpit na rin ngayon ang pagbabantay ng Task Force COVID dahil sa pagdami ng kaso ng COVID sa lungsod.

Facebook Comments