Nakahanda na ang OPLAN: LIBRENG SAKAY sa Malabon bilang tugon sa inihayag na welga ng mga transport group simula Lunes, Marso 6 hangang Sabado, Marso 11, 2023.
Sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, handa na ang lokal na pamahalaan sa pag-deploy ng 12 na sasakyan para sa ligtas at maayos na paglalakbay ng mga taga-Malabon.
Magpapakalat ng mga bus at truck na maghahatid sa mga magba-biyahe sa mga sumusunod na ruta:
Sangandaan – Tatawid
Malabon – Bayan -Monumento
Malabon – Acacia – Monumento
Gasak – Letre
Inirerekomenda rin ng lokal na pamahalaan na magsagawa ang mga institusyon at korporasyon ng skeletal workforce o rotating assignment upang mabawasan ang mga commuter ngayong tigil-pasada.
Matapos naman ang konsultasyon ng lokal na pamahalaan sa DepEd Malabon, napag-deisyunan na ipatupad ang online classes sa pampubliko at pribadong paaralan.