Kinuha na ng Local Government Unit (LGU) ng Malabon ang serbisyo ng mga remittance centers para tulungan ito sa mabilis na disbursement ng bagong ayuda dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Bong Padua, na-consolidate at na-update na ng Malabon LGU ang kanilang ang database alinsunod sa mga itinakdang benepisaryo.
Kabilang sa mga bibigyan ng bagong ayuda sa Malabon ay ang ang mga sumusunod:
– SAP at Bayanihan 2 beneficiaries
– SAP waitlisted
– Vulnerable groups (PWDs, senior citizens, solo parents, atbp.)
– Mga nawalan ng hanapbuhay sa informal economy dahil sa ECQ
Nilinaw naman ng Malabon LGU na mula sa 103,051 pamilyang kanilang inendorso sa Social Amelioration Program (SAP) at Bayanihan 2 noong nakaraang taon, 81,147 o 79% pa lamang ang nabibigyan ng ayudang pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Aniya, ang SAP at Bayanihan 2 ay proyekto ng DSWD at hindi ng mga LGU.
Tanging sa SAP Tranche 1 direktang na-involve sa payout ang mga LGU.
Natapos ito ng Malabon noong nakaraang buwan Mayo at na-certify ito ng DSWD-NCR na 100% accomplished.