Malabon LGU, problemado sa mga residenteng takot magpabakuna

Aminado ang Pamahalaang Lokal ng Malabon na hirap silang maabot ang target nilang mabakunahan.

Sinabi ni Malabon Public Information Office (PIO) Chief Bong Padua, na sa 280,000 na target nilang mabakunahan, 43,000 pa lamang ang kanilang nabakunahan o katumbas lang ng 14%.

Aniya, bukod sa atubili pa ang ilan na magpabakuna, ang ilan ay hindi marunong gumamit ng online registration.


Nakikipag-ugnayan na rin ang syudad sa may-ari ng mga pabrika at iba pang establisyimento para paghandaan ang pagdating ng mga bakuna para sa A4 category, o ang essential workers.

Facebook Comments