Malabon mayor, hinamon ni PRRD na gawing drug cleared ang lungsod sa loob ng 1 buwan

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malabon Mayor Antolin Oreta III na linisin ang siyudad nito sa ilegal na droga.

Ito ang pahayag ng Pangulo sa PDP-Laban Campaign Rally sa Malabon na dinaluhan ng katunggali ni Oreta sa pagkaalkalde, si Vice Mayor Jeannie Sandoval, asawa ni re-electionist Malabon Representative Federico “Ricky” Sandoval II.

Binibigyan ng Pangulo si Mayor Oreta ng isang buwan at kung hindi niya magagawa ito ay aarestuhin niya ito.


Ang mga Sandoval ay miyembro ng PDP-Laban.

Bago ito, idineklara ng Malabon City government na anim nilang barangay ang idineklarang drug-cleared na ng Inter-Agency Committee on Anti-Drugs (ICAD) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mula sa 21 barangay ng lungsod, nasa siyam na ang nalinis sa ilegal na droga.

Facebook Comments