
Idineklara ng official adjudicator ng Guinness na si Sonia Ushirogochi na nabasag ng Malabon ang Guinness World Record para sa pinakamahabang linya ng mangkok ng noodles.
Ang mga linya ng bowls ng noodles ay inilatag sa Malabon Sports Complex kung saan tampok ang sikat na pancit Malabon mula sa iba’t ibang culinary partners ng local government unit (LGU).
Sa official count, abot sa 6,500 na mangkok ng pancit ang nailatag ng Malabon na mas mataas sa halos 4,000 mangkok ng kasalukuyang may hawak ng record na Jinshi Beef and Rice Noodles Association ng China.
Bandang pasado alas-10:00 kanina nang sinimulan nang ilatag ng 12 kilalang panciterya sa Malabon ang kanilang mga ipinagmamalaking putaheng pancit.
May distribution plan na ang LGU para ipamahagi ang bawat bowl ng noodles dahil ligtas naman kainin ang mga ito.