Malabon Police, tinitignan na kung may CCTV na nakahagip sa pananambang sa isang lalaki kanina

Malabon City – Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV ang nakahagip sa pamamaril sa isang lalaki sa kahabaan ng Barangay Potrero, Malabon City kaninang umaga.

Base sa paunang imbestigasyon ng polisya, nakasakay sa jeep ang biktimang si Eden Chuanico, 78 anyos at residente ng Cubao, Quezon City.

Galing sa Monumento, binabaybay umano ng jeep ang kahabaan ng Gov. Pascual, Potrero, Malabon nang biglang dikitan ng riding in tandem at malapitang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek ang biktima.


Tama ng bala sa ulo, mata, dibdib at leeg ang tinamo ng nito.

Nadala pa sa MCU hospital si Chuanico, ngunit agad ring ideneklarang dead on arrival.

Wala namang ibang madamay sa pamamaril.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at mga suspek sa naturang krimen.

Facebook Comments