Malacañan – hinikayat ang mga kabataan na gawing inspirasyon ang buhay at sakripisyo ni Gat Jose Rizal

Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita ng ika-122 death anniversary ni Dr. Jose Rizal ngayong araw, hinikayat ng Malacañang ang mga kabataang pilipino na maging inspirasyon ang buhay ng pambansang bayani.

Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo – dapat na tularan ng mga kabataan ang naging prinsipyo ni Rizal.

Inilarawan pa ni Panelo ang buhay at kamatayan ni Rizal bilang “walking testament” para sa isang taong nagmamahal sa bansa.


Angkop pa rin aniya sa ebolusyon ng ating bansa ang impluwensya ni Rizal mula nang patayin siya sa bagumbayan na ngayon ay kilala na bilang Rizal Park.

Hinikayat din niya ang mga Pilipino na maging makabagong bayani para ipaglaban ang kapayapaan ng bansa.

Samantala, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang flag-raising at wreath-laying ceremony sa Rizal Park sa Davao City.

Facebook Comments