Manila, Philippines – Hinimok ng Malacañan ang Kongreso na aprubahan ang panukalang ₱3.757 trillion national budget sa lalong madaling panahon.
Ito ay upang maiwasan ang anumang pagkaantala sa infrastructure at social services, maging ang umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – dapat lamang na isantabi ng mga mambabatas ang kanilang ‘partisan considerations’.
Binanggit ni Panelo na naipasa ng ehekutibo ang proposed general budget sa araw kung saan nagbigay ng State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte, 29 na araw na mas maaga sa panahong itinakda ng konstitutsyon.
Matatandaang nabigo ang Kongreso na ipasa ang panukalang budget nitong nakaraang taon dahil sa mga iregularidad tulad ng budget insertions.