Malacañang, ayaw nang patulan si Joma Sison

Manila, Philippines – Ayaw nang magkomento ng Palasyo ng Malacañang sa naging reaksyon ni NDF Founding Chairman Joma Sison sa binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address kahapon.

Sinabi kasi ni Sison na wala siyang sakit at si Pangulong Duterte ang may sakit.

Binanggit kasi ng Pangulo sa kanyang SONA kahapon ay mayroong Colon Cancer si Sison at nagiging malaking usapin na aniya sa Norway ang pagpondo sa kanya ng Norwegian government na sumusuko na sa kanya.


Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi na sila magkokomento sa usapin at hahayaan nalang aniya nila ang mga sinabi ng Pangulo kahapon.

Matatandaan na nagdesisyon na si Pangulong Duterte na putulin na ang pakikipagusap sa CPP-NPA-NDF dahil sa mga ginagawa ng mga ito sa pamahalaan kung saan marami na itong napatay na sundalo at pulis.

Facebook Comments