Malacañang, dudang aabot sa 4 na bilyong dolyar ang ill-gotten wealth ng mga Marcos

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na mayroong ninakawn ang pamilya Marcos, ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay duda siya na nagkamal ang pamilya ng bilyon bilyong dolyar.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, korte suprema na ang nagdesisyon a wala silang magagawa kundi sundin ang utos nito.

Sinabi ni Panelo na ang pinagdududahan ni pangulong Duterte ay ang napakalaking halaga na sinasabing nakaw na yaman ng mga Marcos mula sa taumbayan.


Paliwanag ni Panelo, mahirap paniwalaan 4 na bilyong dolyar ang nakuha umano ng mga Marcos sa pondo ng Pamahalaan gayung wala namang ganung kalaking pondo ang Pilipinas para makuha ng mga Marcos.

Facebook Comments