Malacañang, hands off sa issue ng KADAMAY

61

Manila, Philippines – Walang balak pakialaman ng Palasyo ng Malacañang ang issue ng pagokupa ng grupong KADAMAY sa mga housing projects ng gobyerno.

Ito ay sa harap narin ng mga insidente kung saan maraming housing projects na ang napasok ng kadamay at marami pa ang tinangkang pakukin nito ngunit hindi nagtagumpay.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hahayaan nalang nila ang National Housing Authority na ayusin ang nasabing problema.

Hindi naman alam ni Abella kung alam ba ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naglabas ng notice of eviction ang NHA para paalisin ang mga KADAMAY na taliwas sa unanang sinabi ng pangulo na paalisin ang mga ito.

Nilinaw naman ni Abella na ang layon lang ng gobyerno ay hindi gumamit ng dahas para resolbahin ang nasabing problema.

Facebook Comments